Mga Tuntunin ng Kompetisyon 

Ang events ng New York Road Runners (“NYRR”) ay inoorganisa at inaayos sa ilalim ng USA Track & Field (“USATF”) na mga tuntunin  at regulasyon. Dapat ding tumalima ang mga kasali sa naaayong mga batas ng siyudad, estado, at federal (kasama ang City of New York Parks & Recreation at NYRR na mga tuntunin at regulasyon).

Kaligtasan

Mga Opisyal ng Event: Dapat sundin ng lahat na kasali ang mga tagubilin ng mga opisyal ng event, na kasama ang kawani at/o boluntaryo ng NYRR. Kasama rito ang, pero hindi limitado sa mga tagubiling kaugnay ng pangangailangang magsuot ng mga mask, magpanatili ng distansiya sa isa’t isa at/o anumang iba pang kailangang itinakda ng NYRR, CDC, o iba pang awtoridad ng gobyerno. Dapat huminto agad sa karera ang mga Kalahok kapag inutusan ng mga opisyal ng event, medikal na kawani, o alinmang awtoridad ng gobyerno, kasama ang mga bumbero at opisyal ng pulis.

Sportsmanship: Sinumang kalahok na nag-aasal ng pagiging di-isports o nagpapakita ng pag-uugali o salitang nakagagalit sa mga opisyal ng event, kawani ng NYRR, at/o boluntaryo ay maaaring madiskuwalipika. Kasama sa di-isports na asal ang, pero hindi limitado sa, pagbibigay ng mali o nakaliligaw na impormasyon sa aplikasyon sa event.

Entrada ng Kalahok at Bilang sa Karera (Bib)

Aplikasyon sa Event: Dapat ibigay ng lahat ng kalahok ang tamang impormasyon, kasama ang edad, kasarian, at impormasyon sa pagkontak kung emergency, kapag kinukumpleto ang aplikasyon sa event. Hindi puwedeng baguhin ng kalahok o magdagdag ng pag-anib sa isang pangkat pagkaraang magsimula ang event. Ang mga tuntuning gumagabay sa mga pangkat ng samahan ay matatagpuan sa website ng NYRR.

Bilang sa Karera/Bib: Ang iyong opisyal na bib ng kalahok, na nagpapakita ng iyong bilang sa karera, ay dapat lubos na nakikita sa lahat ng pagkakataon at suot sa harapan ng iyong katawan sa panlabas na damit. Ang timing device (B-Tag) ay nakakabit sa likod ng iyong bib. Para matiyak ang tamang oras, huwag tiklupin o lukutin ang bib o takpan ng jacket, runner belt, bote ng tubig, o anumang iba pang item. Kung ang mga kalahok ay tatakbo nang hindi nakakabit o nakikita nang tama ang bib, maaaring hindi mairekord ang kanilang oras ng pagtatapos at hati-hating oras, maaaring hindi mailista sa mga resulta, at/o maaaring hindi makatanggap ng kredito sa pagtatapos ng karera. Kapag nawala ang bib mo habang tumatakbo, pakisabi agad sa opisyal ng event pagkatapos ng karera. Maaaring ibigay ang kredito sa karera pagkatapos maberipika na nairekord ang oras mo sa simula at nakumpleto mo ang karera.

Walang Pinapayagang Paglilipat: Ang mga numero sa karera at opisyal na bib ng kalahok ay itinalaga ng NYRR sa bawat partikular na kalahok at hindi maaaring ilipat, paramihin, gayahin, o baguhin sa anumang pagkakataon. Hindi ka maaaring: 1) magbigay o magbenta ng iyong numero o tag sa ibang tao; 2) tumanggap o bumili ng numero o tag mula sa ibang tao; 3) magbago, gumawa ng mga kopya o iba pang paraan ng reproduksiyon/replikasyon ng iyong numero o bib sa anumang dahilan (o payagan ang ibang gawin ito); at/o 4) sumali nang hindi opisyal ang numero sa karera o bib (iyon ang numero o bib na hindi itinalaga sa iyo ng NYRR). Ang pagtatangkang gawin ang alinman sa nauna ay ipinagbabawal din at sinumang matagpuang lumalabag sa mga tuntuning ito ay papatawan ng mga parusa, kasama ang pero hindi limitado sa diskuwalipikasyon at suspensiyon mula sa susunod na events ng NYRR.

Ang Simula

Mga Kural ng Pagsisimula: Ang mga kalahok ay responsable sa pagdating sa mga kural ng pagsisimulang nakatalaga sa kanila, base sa kanilang pinakamahusay na hakbang, at pagpasok sa nakatalagang pasukan sa kural bago ang mga oras ng pagtatapos. Ang mga mananakbo ay maaaring bumalik sa mas mabagal na kural pero hindi puwedeng lumipat sa mas mabilis na kural. Sinumang kalahok na umakyat sa barikada o kundi man pumasok nang di-wasto ay maaaring madiskuwalipika. Para sa kaligtasan ng kalahok, sa sandaling naisara na ang pasukan ng kural, ang mga kalahok na nahuli ng dating ay dapat pumunta sa huling kural. Inirereserba ng NYRR ang karapatang paghigpitan ang mga indibidwal mula sa nahuling pagsisimula para sa mga dahilan ng kaligtasan. Mangyaring sundin ang mga tagubilin ng mga opisyal ng karera kapag pumapasok sa mga kural. Sinumang nakitang umiihi o dumudumi sa isang kural ay maaaring madiskuwalipika at/o masuspinde sa events ng NYRR.

Simula ng Karera: Sisimulan ng busina ang karera maliban kung sinabing hindi. Lahat ng kalahok ay dapat nasa likod ng simulang linya sa simula ng karera at dapat sumunod sa mga tagubilin ng tagapagsimula ng karera. Kung nagtatampok ang karera ng putol-putol na simula, pakakawalan ang kural nang may regular na pagitan, kung saan magsisimula ang kural A sa unang simulang busina, na susundan ng karagdagang simulang busina para sa bawat susunod na simula.

Pag-ooras

Opisyal na mga Oras: Irerekord ng timing system ang iyong opisyal (net) na oras ng pagtatapos mula sa pagtawid mo sa simulang linya hanggang sa pagtawid mo sa katapusang linya. Tinitiyak ng oras na ito ang pagkasunod-sunod ng pagtatapos at mga nagwagi ng gantimpala sa grupo ng edad—maliban sa mga gantimpala para sa nangungunang nagtapos, na titiyakin ng gun time (ang oras mula sa busina ng pagsisimula hanggang makatawid ang mananakbo sa katapusang linya). Aalisin ang start timing mats pagkatapos masimulan ng huling kural ang karera, maliban kung pinapayagan ng sukat ng larangan na panatilihing nakabukas ang simula nang mas matagal. Pagkatapos sarhan ang simula, hindi irerekord ang netong mga oras at kakalkulahin ang mga oras mula sa oras ng simulang busina. Kapag nagsimula ang mananakbo matapos alisin ang timing mats, walang idadagdag na oras ng simula.
Para sa mga event na Subok ng Oras (Time Trial), makakatanggap lahat ng mananakbo ng netong oras bilang opisyal na oras (inirekord ng timing system mula sa pagtawid mo sa simulang linya hanggang sa pagtawid mo sa katapusang linya). Titiyakin ng netong mga oras ang pagkasunod-sunod ng pagtatapos para sa lahat ng mananakbo, kasama ang mga nangungunang nakatapos, at patuloy na mag-a-update at hindi mapipinalisa ang ranggo hanggang nakumpleto ng lahat ng nakatapos ang kurso. Hindi magkakaroon ng pangkalahatan o grupong edad na gantimpala sa Subok ng Oras na events.

Ang Kurso

Paggawa ng Kurso: Isinasagawa sa USATF-certified na mga kurso ang events ng NYRR (maliban sa mga karera para sa bata). Dapat manatili sa mga hangganan ng kurso ang mga kalahok sa lahat ng pagkakataon. Karaniwang markado ng mga harang, apa ng trapiko, delineasyon, at/o iba pang marka ang kurso. Dapat kilalanin at unawain ng mga kalahok ang event signage at mga simbolong kaugnay ng kurso, direksiyon, at pasilidad, at dapat sundin ang mga tagubilin ng bantay ng kurso at opisyal ng event. Maaaring magresulta sa diskuwalipikasyon ang pagkabigong gawin iyon.

Pagkumpleto ng Kurso: Kung hindi mo pa nakumpleto ang buong kurso, madidiskuwalipika ka. Ang mga kalahok na may nawawala o iregular na split times sa opisyal na timing checkpoints ay rerebyuhin at maaaring madiskuwalipika. Kapag iniwan mo ang kurso, sumali lang ulit sa punto kung saan ka lumabas. Walang kalahok, pagkatapos umalis sa kurso, na papayagang sumali ulit sa karera para sa layuning makakuha ng puwesto o sabayan o tulungan ang ibang kakumpitensiya.

Pagtulong: Ang hindi opisyal na pacers o iba pang hindi rehistradong kalahok ay hindi pinapayagan sa kurso, hindi rin sila pinapayagang magbigay ng tulong. Ang isang kalahok na tumatanggap ng tulong habang nasa event mula sa sinuman maliban sa opisyal na medikal na tauhan ay maaaring madiskuwalipika.

Limitasyon sa Oras: Alang-alang sa kaligtasan, at para payagang magbukas ulit ang mga kalsada at paradahan sa parke ayon sa iskedyul, mananatiling bukas ang mga kurso ng karera sa lahat ng kalahok, ayon sa naka-post na oras ng pagsasara ng kurso sa page ng indibidwal na karera. Dapat malaman ng mga kalahok na hindi kayang kumpletuhin ang kurso bago ang oras ng pagsasara na ang mga istasyon ng likido at iba pang amenidad sa karera ay maaaring hindi makukuha. Ang mga kalahok sa mga karerang ginawa sa mga lansagan ng New York City ay maaaring hilingin na lumipat sa mga bangketa o sumakay sa sweep bus, ayon sa tagubilin ng mga opisyal ng event. Ang mga kalahok na nasa sweep bus ay hindi maaaring tumawid sa katapusang linya.

Ang Katapusan

Ang nahuling mga kalahok ay walang garantiyang oorasan at irerekord bilang opisyal na nagtapos; pero puwede nilang kontakin ang aming pangkat sa pag-iskor para humiling ng kredito para sa karera.

Ipinagbabawal na mga Bagay

Ipinagbabawal sa lahat ng event at lugar ng karera ng NYRR ang sumusunod na mga bagay:

• Anumang uri ng sandata, kasama ang mga baril, kutsilyo, batuta, atbp.

• Mga bagay na mapanganib o “dalawahang gamit” na puwedeng ituring na mapanganib, kasama ang martilyo, lagari, matulis na bagay, payong, poste, patpat, atbp.

• Nagliliyab na mga likido, aerosol, gasolina, paputok, nakakalasong kemikal, at pampasabog

• Malalaking pakete, cooler, tent, at sandalan

• Duvet, sleeping bag, at malalaking blanket o comforter

• Nakalalasing na inumin at anumang uri ng ilegal na mga substansiya

• Walang bantay na aerial devices, drones, survey balloons, mini-copters na pangkuha ng litrato, at anumang lumilipad na device na may on/off na swits

• Opaque na mga basurahan at anumang hindi malinaw na plastic bag (Pinapayagan ang malinaw na mga basurahan.)

• Mga hayop o alagang hayop (Kung isa kang may kapansanan, mangyaring kontakin ang nyrrawdteam@nyrr.org)

• Natitiklop na upuan, pangkampong upuan, at anumang uri ng mesa

• Mga bubog na lalagyan

• Mga lalagyan ng likidong mas malaki sa isang litro

• Kemikal na mga compound, o bayolohikal na mga ahenteng puwedeng ituring na nakalalason

• Strollers

• Maleta at de-gulong na bag

• Backpack, maleta, de-gulong na bag, o anumang ibang katulad na bag maliban sa opisyal na clear bag check bag ng NYRR

• Camelbaks® at anumang uri ng hydration backpack/vest (Pinapayagan ang fuel belts at nahahawakang bote ng tubig, pero hindi ang isinusuot sa balikat.)

• Mabigat na vest o anumang vest na maraming bulsa, lalo na iyong puwedeng gamitin bilang lalagyan ng tubig

• Mga kasuotang nakatakip sa mukha at anumang malaking damit na lumalampas sa perimetro ng katawan (Pinapayagan ang mga damit na nakalapat sa hugis ng katawan)

• Props, kasama ang mga poste ng bandila, kagamitang pampalakasan, gamit ng militar at sunog, at mga karatula na mas malaki sa 11”x17”

• Selfie-sticks at anumang lalagyan ng camera na hindi direktang nakalagay sa ulo o katawan

 

Paglabag sa mga Tuntunin ng Kumpetisyon

Lahat ng paglabag sa Mga Tuntunin ng Kumpetisyon ay isasangguni sa NYRR Rules Committee, na siyang magrerebyu sa paglabag at titiyak sa resolusyon nang isinasaalang-alang lahat ng mahalagang katotohanan at pangyayari.

Makatatanggap ang kalahok ng nakasulat na abiso ng pagtiyak mula sa NYRR Rules Committee. Anumang impormasyong nagpapakita kung bakit dapat gumawa ng ibang pagtiyak ang NYRR Rules Committee ay dapat isumite sa loob ng pitong araw mula sa inisyal na nakasulat na abiso.

Mga Parusa

Nilayon ang sumusunod na mga parusa para magsilbing patnubay lang. Inirereserba ng Rules Committee ang karapatang isaalang-alang lahat ng katotohanan at pangyayari, kasama ang inulit na mga pagkakasala, at ilapat ang mga parusa alinsunod sa nararapat sa solong diskresyon nito.

Pagkabigong tumawid sa lahat ng opisyal na timing checkpoint/pagputol sa kurso: Maaaring magresulta sa diskuwalipikasyon mula sa opisyal na mga resulta, suspensiyon sa susunod na events ng NYRR nang hanggang isang taon, o suspensiyon sa event ng susunod na taon.

Paglipat ng numero sa karera: Sinumang taong natagpuang nagparami, kumopya, bumago, naglipat, bumili o nagbenta ng numero sa karera o bib (o tinangka ang alinman sa naunang mga aksiyon) para sa isang NYRR na event, pinapayagan ang ibang indibidwal na isuot ang numero sa karera o bib na nakatalaga sa kanya, o nagsusuot ng numero sa karera o bib na hindi itinalaga sa kanila ng NYRR, ay madidiskuwalipika at masususpinde sa susunod na events ng NYRR nang hanggang isang taon o masususpinde sa event ng susunod na taon.

Hindi Awtorisadong Pagtulong: Sinumang nakarehistrong kalahok na tumatanggap ng hindi awtorisadong tulong ay maaaring madiskuwalipika. Kasama rito ang sinumang nakarehistrong kalahok na pumapayag na sumabay sa pagtakbo niya ang isang hindi nakarehistrong mananakbo sa anumang bahagi ng event.

Di-isports na Asal: Sinumang taong nag-aasal sa di-isports na paraan bago, habang o pagkatapos ng event ng NYRR, kasama ang nasa NYRR RUNCENTER, ay maaaring madiskuwalipika o mapagbawalang sumali sa events ng NYRR sa hinaharap.

Mga Tagubilin sa Opisyal ng Event: Sinumang nakarehistrong kalahok na tumatangging sundin ang mga tagubilin ng isang opisyal ng event ay maaaaring madiskuwalipika.

Pag-ihi/Pagdumi sa Pampublikong Lugar: Sinumang nakarehistrong kalahok na umihi at/o dumumi sa pampublikong lugar ay madidiskuwalipika.

Iba pang mga Paglabag:: Bilang dagdag sa mga paglabag na binigyang-diin sa itaas, maaari ring tasahin ng Rules Committee ang mga parusa para sa anumang ibang paglabag na hindi nabanggit sa Mga Tuntunin ng Kumpetisyong ito base sa lahat ng mahalagang katotohanan at pangyayari.
Ang mga indibidwal na nadiskuwalipika sa karera ay aalisin sa mga resulta ng karera at maaaring pagbawalan sa events ng NYRR sa hinaharap. Inirereserba ng NYRR ang karapatang tanggihan ang anumang entrada at diskuwalipikahin at pagbawalan ang sinumang indibidwal sa anumang event ng NYRR. Ang pagtanggi/diskuwalipikasyong ito ay maaaring nakabase, pero hindi limitado, sa paglabag sa mga tuntuning nabanggit sa itaas.

Karagdagang mga Tuntunin para sa mga Atletang may Kapansanan (“AWD”) na mga Kalahok

Karagdagang mga Tuntunin sa Kaligtasan para sa mga Kalahok na may Handcyle:

Sinumang kalahok na gumagamit ng handcycle ay dapat magsuot ng helmet sa lahat ng pagkakataon habang nasa handcycle.
Sinumang kalahok na gumagamit ng handcycle ay dapat magkaroon ng orange visibility flag na nakalagay sa 5’–6’ flexible pole/stick na nakalagay sa handcycle ng isang bracket sa lahat ng pagkakataon habang nasa kurso ng event.
Sinumang kalahok na gumagamit ng handcycle ay dapat manatili nang hindi kukulangin sa 25 metro sa likod ng pacing vehicle sa lahat ng pagkakataon.

Hindi pinapayagan ang handcycles na may motor o pedal. Walang anumang dagdag na kagamitan sa cycling na pinapatakbo ng enggranahe, crank, o kadena ang maaaring gamitin ng mga kalahok, kasama ang recumbent bikes, traysikel, o bisikleta na pinapatakbo ng paa.

Karagdagang Impormasyon para sa mga Kalahok na may Pushrim Wheelchair:

Sinumang kalahok na gumagamit ng pushrim wheelchair ay dapat magsuot ng helmet sa lahat ng pagkakataon habang nasa wheelchair na pangarera.

 



Just Added to Your Cart

2017 United Airlines NYC Half

Go To My Cart

Time Out

Your session has timed out due to inactivity.