Kodigo ng Asal
Sa lahat ng event ng New York Road Runners (“NYRR”), dapat mag-asal ang mga kalahok sa magalang na paraan, igalang
ang kapwa kalahok, boluntaryo, kawani ng event, manonood, at mga kasapi ng komunidad, at sundin ang
Mga Tuntunin ng
Kumpetisyon
.
Kailangan ng wastong kagandahang-asal sa karera sa lahat ng pagkakataon, kasama ang pag-alam sa iyong kapaligiran at
mga abiso at tagubilin mula sa mga opisyal ng event.
Kaligtasan ng Kalahok sa COVID-19
Para sa impormasyon tungkol sa kaligtasan at protokol sa COVID-19, pakibisita ang aming page ng Mga Pamamaraan ng Kaligtasan sa mga Karera ng NYRR.
Di-isports na Asal
Hindi maaaring sumangkot ang mga mananakbo sa anumang berbal o aktuwal na maling asal na umaabuso, nanliligalig,
nang-iinsulto, o nakakagalit, kahit hindi ito nakapailalim sa mga pagbabawal na nakabalangkas sa
Mga Tuntunin ng Kumpetisyon. ng NYRR.
Dapat maging tahimik na magalang ang mga mananakbo habang nasa pag-anunsiyo ng simula ng karera at habang pinapatugtog
ang pambansang awit.
Simula
Mangyaring bigyan ang sarili mo ng sapat na oras para kuhanin ang iyong numero sa karera at pumasok sa iyong kural. Pumasok lang sa kural kung saan ka nakatalaga o sa mas mabagal.
Headphones
Lubos na hindi hinihikayat ang paggamit ng headphones. Kung gusto mong magsuot ng headphones, pakisiguradong maririnig mo lahat ng anunsiyo at panatilihing alam ang iyong kapaligiran, kasama ang ibang kalahok.
Mobile Devices
Ang paggamit ng mobile devices habang sumasali sa event para sa anuman maliban sa pagsubaybay sa iyong pagtakbo, o para gamitin pagkatapos ng event, ay lubos na hindi hinihikayat.
Kagandahang-loob sa Pagtakbo
- Pagbuo: Huwag tumakbo nang tatluhan o higit pa sa isang grupo nang magkakasabay; nagiging harang sa ibang mananakbo ang malapad na mga grupo.
- Pagdaan: Makipag-usap kapag lumalampas sa isang mananakbo, at hayaang makadaan ang iba. Kung may mananakbo sa likuran mo na nagsasabing, “Sa kaliwa mo,” lumipat ka sa iyong kanan at palampasin ang mananakbo. Kung may nagsasabing, “Sa kanan mo,” lumipat sa iyong kaliwa.
- Paghinto: Huwag hihinto nang bigla. Kung hihinto ka para uminom sa isang aid station, kuhanin ang tubig sa pinakamalayong bahagi ng mesa o linya para maiwasan ang siksikan at magpatuloy sa paglakad pasulong. Kung kailangan mong magtali ng sintas, gumawi sa gilid ng kurso.
- Pagdura: Mag-ingat kapag dumudura o sumisinga para maiwasang tamaan ang ibang kalahok.
- Pagtulong: Kapag nakakita ka ng mananakbong nahihirapan, mag-alok ng tulong at/o iulat ang sitwasyon sa pinakamalapit na aid station, opisyal ng event, o linya ng medikal na emergency ng event 866-705-6626.
Portable Toilets
Mangyaring maging makonsiderasyon sa mga pila sa portable toilet. Huwag sumingit sa pila o sa isa pang nakapila. Igalang ang ibang gagamit ng toilet pagkatapos mo. Ang pag-ihi o pagdumi sa mga kural, sa lakaran pagkatapos ng karera, o sa mga kakahuyan ng parke ay hindi lang walang galang, kundi lumalabag din sa Mga Tuntunin ng Kumpetisyon ng NYRR, at nanganganib kang madiskuwalipika sa paggawa ng nasabing asal.
Kasuotan sa Karera
Lubos naming hindi hinihikayat ang lalaking mga kalahok na mangarera nang walang tisert, at/o pagtanggal ng kanilang tisert habang nasa karera.
Basura
Pakilagay lahat ng basura sa nakatalagang lalagyan, kasama ang mga nasa aid station. Kapag nagtatapon ng mga tasa sa aid stations, mag-ingat para hindi matamaan ang ibang kalahok.
Nawala at Nakitang mga Item
Kung may nakita kang item habang o pagkatapos ng event, pakibigay ito sa tent ng kawani ng NYRR o sa sinumang opisyal ng event ng NYRR. Gagawin ng NYRR ang pinakamahusay na pagsisikap para maipakuha ang mga item na ito sa susunod na araw sa NYRR RUNCENTER, na matatagpuan sa 320 West 57th Street sa Manhattan. Hahawakan ang mga item sa loob ng 30 araw at itatapon kapag hindi kinuha ng may-ari.